Friday, February 1, 2008

Si Becky

I am writing this entry as a tribute of sort to one of my bestest friend ever, si Becky.

I can still remember how we met before. I was working as a Team Leader in an obscure company and Becky was one of new trainees. Since he's new, he was advised to to side-by-side with more tenured agents.

Medyo me pagkamahadera etong si Becky, but matalino, saka cute. Tsinito kasi, maputi, at saka balbas-sarado. Usap-usapan pa ng ng ibang mga agents if hindi ba straight si Becky. Panu ba naman, lalaking-lalaki ang itsura, wag mo lang pagsalitain. hahaha

So bisi-bisihan na ako. Andami kasing order na pina process noon, in addition to that nag su support pa ako ng mga agents kaya mejo na lurkee tlaga ako.

"ateh"

"ateh?"

Napatingin ako sa may-ari ng boses, abah abah, si Becky pala. At tinawag pa akong ate. Wala pang gumawa sa akin nun sa office, pano kilala akong mataray so nobody ever dared. Until Becky.

"yes?"

Sagot ko sabay taas ng kilay.

"may tanong po ako ateh, about po dun sa...."

I can't remember the rest of the conversation but starting that day, naging bestfriend ko si Becky.

Looking back, I don't even know what made us best of friends, sobrang opposite kami ni Becky. maputi siya, brown ako (although fair na ako now thanks to glutathaione hahaha). Magaling siya sa computer, technically challenged naman ako. Friendly siya, aloff naman ako. But we still clicked. Para nga kaming yin-yang eh. Vitually inseparable.

Simula noon, naging constant partners in crime na kami ni Becky. kahit sa opisina, we cover each other's asses. Sabi ng marami, we compliment each other. Magaling siya sa math and computer, magaling naman ako sa grammar at english. Marami ng alias ang binigay sa amin. Dr. Evil and Mini Me, Super Twins, Ashley and Bridgette, ang kung anu-ano pa.

Kahit na nag close down yung company na pinagtrabahuan namin and we both lost our job, magkasama pa rin kami. Mabilis naman kaming nakahanap ng kapalit eh, until yesterday. Last day na ni Becky. nag tender siya ng one month resignation and he got hired sa isang malaking call center.

Pakiramdam ko nawalan ako ng kaibigan. Nung last week na niya, palagi kaming nag-aaway, nagbabangayan. I guess we were both pissed na hindi na kami magiging magkasama ang we both showed it by quarelling almost everyday. Di ko kasi tinuloy ang application ko sa company inaplayan niya.

Things changed between me and Becky...but only because I'm making myself get used to the feeling na hindi na kami madalas magkikita, na hindi na kami magkikita araw-araw...na hindi na kami magiging magkasama sa halos lahat ng bagay.

Iniyakan ko ang decision ni Becky na umalis. Gusto ko ring samahan siya, but tamad na akong magpalipat lipat ng trabaho. Gusto kong ayusin ang career ko. And I guess he wanted that too.

mami-miss ko si Becky. Sobra. Sa pag-alis niya, mawawalan ako ng kakambal. magiging isa na lang ang Super Twins...mawawala na si Yang...maiiwan na lang mag-isa si Ashley.

But happy ako sa bestfriend ko. Ginawa niya ang palagay nya ay tama, he choose to go out of his comfort zone. Iilan lamang ang nakakagawa nyan.

pagbalik ko after my restday, paano ko haharapin ang opisinang wala and becks ko...pano ko tatapusin ang oras na wala akong kakwentuhan...kaharutan....mamimiss ko lahat ng yun...

No comments: