Saturday, February 2, 2008

Summer Love

Kinulit ako ni Bato na magkuwento about my past relationships. Tinatanong ako how I became a such a good adviser (ehem..ehem) gayung wala naman daw siyang nabalitaan na me boyfriend akong nagtagal. Kilala na kasi ako bilang player, now, now, before you make any assumptions, clear ko lang ha. mahilig ako sa lalaki but takot ako sa commitment. When you're done reading this blog, you'd know what I mean.

I can't resist borrowing a movie line from my super favorite actress Maricel Soriano. It was from her movie "Kaya kong Abutin ang Langit" (a classic, di ako nagsasawang panoorin toh sa Cinema One)

"I don't give a damn about love, Darren (name ni William Martinez sa movie), hindi yun ang makakapagpapaligaya sa akin"

Ganda di ba?

Anyways, I'm digressing na naman. So balik tayo sa story ko...about Greg.

I met Greg when I was still working with Smart Communications a few years ago. Height nun ng launching ng Addict Mobile (meron pa ba nito ngayon?) and my area Supervisor requested that I join the Sales Team in Boracay dahil that time I was trained to process Smart postpaid line applications.

Manager si Greg ng Pier 1 sa Boracay. he was applying for a post paid line dati at nameet ko siay dahil doon.

It wasn't love at first sight (ang corny nun ha!), although me itsura naman eto. Matangkad, mga 5'10" ata, tsinito (weakness ko pa naman toh), saka anime-inspired yung hair (alam nyo yung spiky-spiky, grabeh super weakness ko rin toh). Matangos ang ilong at pinoy na pinoy ang kulay. Looking back, I can say na it was his skin color that I didn't like, i like my tsinito, spiky-haired guys maputi eh.

Nagsubmit siya ng application niya and sadly hindi pasok yung income niya sa requirement namin kahit manager na siya, Provincial rate kasi ata. eh.

ST: I'm sorry, but I don't think we can process your application. Medyo hindi kasi pasok sa income requirement namin

Then I saw him smile. Grabeh, ang ganda ng teeth, nabulag ako sa kaputian nila, pwedeng commercial ng toothpaste.

Greg: Awww...sayang naman.


Naku, ayan na, nagpapaawa na, shit! weakness ko pa naman ang straight guys na nagpapaawa. -sigh-

ST: I'll see what I can do ha, but no promises, okay. Buti na lang cute ka...
Greg: ano yun?
ST: wala, sabi ko I'll talk to my friend muna.

It was a good thing na my friend was also the head of the Sales Department, I had to bribe her with drinks from Hey! Jude para lang pumayag siya na i approve yung application ni Greg.

ST: okay na yung application mo, proceed ka na lang sa office namin sa station 2 to get your unit and and sim card.
Greg: Wow! Yes! Thank you, thank you talaga!
ST: wala yun (shit pogi pala nito)
Greg: No, really, Thank you. Ganito na lang, why don't you and your friends drop by the bar later, open bar for you and your friends!
ST: wow, really? nakakahiya naman.
Greg: No, I insist. So mamya at 8pm okay?

Hindi ko na kailangang pilitin pa ang friend ko. Adik sa drinks yun eh, lalo na pag libre, isa paat least now I don't have to foot the bill sa inuman namin, saya di ba?

Kinagabihan, 8:30pm na kami nakarating sa bar nila Greg. pagpasok pa lang ng bar ay sinalubong na kami ng 2 waiter nila. Ibinilin daw kami ni Greg. Sweet di ba? Saktong kakaupo pa lang namin ng dumating si Greg from the kitchen.

Greg: Wow! Buti naman nakarating kayo! kala ko kasi di kayo makakapunta eh.
ST: Libre kasi drinks eh (pa sweet)

Napatawa ng malakas si Greg. Ewan ko lang if it was because of the lights sa bar but parang I saw him wink at me. Naku, di pa man ako nakakainom eh nag iilusyon na ako.

He suggested na i-try namin ang Bangenge, specialty drink daw nila yun. So we said yes. Naloka kami when it was served. Parang maliit na banga yung lalagyan ng drink. Masarap eto ha! In fairness, sa sobrang srap hindi ko na namalayan na nalasing na pala kaming dalawa ng friend ko.

Umiikot na ang paningin ko sa pinaghalong kalasingan at antok, pakiramdam ko lumulutang ako at ang laki ng ulo ko. maya-maya nakita kong may inaabot sa akin si Greg.

Greg: Wala ka pala eh, ambilis nyo naman nalasing. Eto, magkape ka muna para mawala ng unti ang tama mo.

God! Ang sweet niya, please Lord, me boyfriend po akong iniwan sa Manila. Ilayo nyo po ako sa tukso (kemi)

Past 4 am na at medyo bumuti na ang pakiramdam namin ni Nat, ang friend ko. Nag aya ng umuwi si Nat at hindi na kami nakapag paalam pa ke Greg na noon ay busy sa loob ng office niya dahil magku closing na.

Dumaan muna kami ng Hey! Jude para mag breakfast at saktong nakapasok na kami sa loob ng umulan ng malakas. Umorder kami ni Nat. Continental breakfast for me, at bacon sandwich naman kay Nat. nasa me entrance lang kami pumuwesto, nagyuyosi ako ng tapikin ako ni Nat.

"hoy! di ba si Greg yun?"
"asan?"
"ayun oh, tumatakbo!"

I didn't know what prompted me to rush out ng Hey! Jude. Tinawag ko si Greg, at dahil medyo malayo na siya, we were both soaking wet ng dumating sya sa tabi ko.

Greg: uyy, kayo pala, ano gawa nyo dito?
ST: pauwi na kami actually, kaya lang nag aya si Nat na kumain ng breakfast bago umuwi kaya dumaan kami dito.
Greg: ah, ganun ba? nawala kasi kayo bigla eh, kala ko nga tinakbuhan niyo na ang bill niyo.
ST: Waaa! We'll never do that noh! Sumabay ka na kaya muna sa amin mag breakfast.
Greg: Busog pa ako eh, kumain ako sa bar bago umuwi but sasamahan ko na lng kayo.
ST: Buti pa, basang-basa na ako.

Papasok na kami ng bigla namang lumabas si Nat.

Nat: "hoy, tapos na ako, antok na antok na gurl, mauuna na akong umuwi okay. Uy, Greg, bahala ka na jan sa kaibigan ko ha." sabay kindat ke Greg.

ST: ano ka ba, nakakahiya!
Nat: asus! pa sweet ka pa, crush na crush mo naman yan
ST: bruha ka talaga! humanda ka sa akin mamaya

Kukurutin ko pa sana ang hitad but mabilis pa kay Lydia De Vega etong nakatakbo palayo.

"enjoy!" sigaw ng hitad.

ST: naku sorry ha, pasensya ka na ke Nat, ganyan tlaga yun pag nalalasing.
Greg: walang problema.

Imbes na bumalik sa loob ay inaya ako ni Greg na magpunta ng dalampasigan. Parang fast-forward ang nangyari. Umupo kami sa dalampasigan, parehong walang imik. Naramdaman ko na lamang na kinuha ni Greg ang kamay ko at kinulong eto sa pagitan ng mga palad niya. Para kaming magsyota. Hindi na kailangan ng mga salita. Sa sandaling yun, napagtanto ko na umiibig na naman ako...

No comments: