Thursday, January 31, 2008

Emote

Maaga ako pumasok sa office kanina. Last day kasi, then kinabukasan rest day, kaya excited ako although puyat kasi I'm juggling to jobs. Bakit kamo? Need ko ng pera eh! But I digress, hindi naman kasi tungkol sa akin ang kwentong eto, itago na lng natin sya sa pangalang Bato.

Bakit Bato? Well, usap-usapan lng eto ha but sabi nila, dakota daw tlaga etong si Bato. So yun, Bato. Fits him perfectly di ba? And please don't even think of asking me if nakita ko na ba yung "bato" niya kasi I may be a h*rny B*tch but I don't eat friends. Yun na.

Anyways, 20 minutes before my shift nasa office na ako, kaya I decided na magyosi muna sa labas ng building. Naabutan ko si Bato na nakaupo sa lounge chair (taray di ba).

ST: hoi! ang aga mo ha!
Bato: wala na kami...


magri react pa sana ako but naunahan ako ng mala Demi Moore in Charles Angel 2 na pagluha niya sa right part lang ng cheek nya, aba ang taray naman! kabog ako ah!

Bato: wala na kami ST...
ST: what do you mean?
Bato: naghiwalay na kami kagabi...


and so I saw my dearest friend cry...grabeh...ibang level na toh...I despise drama but when it involves my friends, ibang usapan na yun.

ST: bakit? ano ba nangyari?

at kinuwento na ni Bato ang nangyari. I don't wish to espouse his pain in public but I can tell you this much. His boyfriend fell out of love and wanted out.

ST: I don't want to say I told you so, but I told you so...dati pa di ba?
Bato: mahal na mahal ko siya...
ST: shhh...tama na yan...you'll get over him...
Bato: ewan ko lang...ewan ko lang....

Grabeh. Nalurkee ako sa nangyari ke Bato. 4 years din naman daw kasi sila ng jowa niya. napatanong tuloy ako...nangyayari pala tlaga yun noh. Falling out of love.

Sayang. Sobrang bilib pa naman ako sa relasyon nila. Alam mo yun, you seldom meet somebody not straight na sobrang nagtagal yung relationship. I guess it's doubly hard for us to maintain a relationship. The pressure doubles when you aren't straight. Mas maraming issues.

I hope they get back together. Hindi naman siguro nawawala ang feelings ng ganun lang kadali di ba?

Or do they?









No comments: